Wednesday
Eventful day.
I planned to go to UP at around 2 even though I have a 2:30 Kas1 class. I have yet to vote for the USC elections so I allotted 30 mins for that. But like all perfectly laid out plans, it didn’t quite work out that way. 2:30 na ko nakarating ng UP, tapos on the way, I realized naiwan ko ang id ko sa aking filecase. Sa bahay. Wala kasi akong ES1 so baboo dapat sa hassle na filecase na di kasya sa bag. Eh sa filecase ko nilalagay yung id kasi kadiri na yung cord ko at ayokong nagtetreasure hunt sa bag sa harap ni kuya guard sa AS. Eh kelangan ng id para magvote. Buti kamo dala ko form5 ko sa wallet. So pagdating ko sa CS dep para bumoto, daladala ang savior na form5 ko. ABA. Hindi raw pwede ang form5. dapat daw id.
Mangiyak-ngiyak na ko kasi duh. I have to vote. I need to vote. Nagplurk pa naman ako bago umalis ng bahay ng “will go to UP na to vote for Rain and others”. Tapos di ko magagawa dahil lang wala akong ES1 ngayon? Buti andun yung blockmates ko to comfort me.
Pero tadaa, buti na lang I’m brilliant. Naalala ko na may picture ako ng id ko dati nung first year ako sa friendster. That was sooo first year, first sem okay? Di pa kasi ako makaget-over na dito ako magaaral. Anyway, I went online para buksan ang friendster. Green na pala ang palette nila ngayon. So hanap hanap and yes! Nakita ko sya. Kinabahan pa ko actually kasi dun sa thumbnail yung mukha lang yung kita, di kasama yung name and student number. Pero weh, ang saya kasi dun sa original image kita. haha Pinakita ko kay Kuya na ayaw ibigay sakin ang pribilehiyo na bumoto dahil wala akong id. Una, ayaw nya talaga. ID daw talaga ang kelangan. Sabi namin, ayan ID sabay pakita ng form5 na may tumatagingting na COUNTERSIGNED for 2nd sem AY 2009-2010 at phone ko. Ang caption kasi ng picture ay “me and my phone”. Eh since poor ako or maingat lang talaga sa gamit, same pa rin ang phone ko. Okay at this point di ko alam kung anong napindot ko at nagkaron ng underline. Inis na ko ule. I even offered to tell him everything listed on my form5. So ayun nagrecite ako ng subjects ko kanina for this sem. But it’s worth it. I got to vote. :D
Natapos ang chapter na yun ng araw ko at around 3pm. Yeah, I’m way too late for my class. Pero dahil ayoko ng nagkacut. chos. Humabol pa rin ako. Tumakbo papuntang AS—okay, that’s a joke. Ang init kaya tapos CS to AS? Are you kidding me? So no, I took the Ikot instead. 3:10 na sa relo sa AS nung pumasok ako. Pero dahil mukhang sinuswerte ako ngayong araw, wala pala kaming pasok! The vacant seats are very telling. Chaka I verified, may note si sir. Actually, I’m not sooo sure kasi wala atang date.
So ayun, free na ko until 4 for my PE. I went to SC para makapag-ice cream at shake at pizza at fishball. Masaya na sana ang buhay ko nang habang sabay sabay kong kinanakain ang all of the above, dumaan SIYA. Siya na may atraso sakin ng matindi or you can say that the other way around. Siya na tinatakbuhan ko. Siya na never ko nang tinext since The BIG BANG. SIYA. At dahil nga nakita na namin ang isa’t isa at masaya ako before that moment at nabigla ako, ngumiti ako at nag-wave sa kanya. Imagine that. And to glaze that perfection, natawa siya. SA AKIN, obviously. Yung tawa na snort na may iling pa. Parang genuinely amused. Ganun. So tumalikod ako sabay lamon ng limang fishball at pizza at sipsip sa mango-guava shake ko na parang yeah, pahiya ako. Sa utak ko, sabi ko… actually, well you don’t wanna know. Ewan ko ba kung pano ako naloka ng ganun.
After that, I dragged myself to PE. And well, being PE, it managed to cheer me up.
now, fast forward. NANALO SI RAIN! and everyone na kakilala ko who ran.
Congratulations Aleli, Patrick, Kian, and Jing!
That made my day.